Lunes, Agosto 24, 2015

Mga Sariling Tuklas na Estratehiya sa Pagtuturo


wennchubz.blogspot.com

1.   PAMARAANG  4P’S
Ang pamaraang 4P’s ay nakakatulong sa mga mag-aaral upang malinang ang tinatawag na cooperative learning o ang kanilang pakikiisa sa pangkatang gawain at talakayan. Ang 4 P ay nangangahulugang pagpapangkat, pagbabagyong-isip, pagtakay at pagbibigay-input.
Hakbang sa Paggamit ng Pamaraang 4P’s
a.    Pagpapangkat – papangkatin ang klase sa apat o depende kung gaano kalaki ang klase.
b.    Pagbabagyong-isip – magkakaroon ng pagbabagyong-isip ang bawat pangkat ng mga mag-aaral hinggil sa paksang ibinigay ng guro.  Isa sa pangkat ang magtatala sa kanilang napag-usapan hinggil sa paksa.
c.    Pagtalakay – matapos ang pagbabagyong-isip ng pangkat ay tatalakayin  ng lider ng pangkat sa klase ang napag-usapan ng kanilang pangkat.
d.    Pagbibigay-input – kapag nakapaglahad at nakapagtalakay na ang bawat lider ay magbibigay na ng feedback at input ang guro hinggil sa paksa.

Pagkatapos ng talakayan, gagamit naman ng 4P’s ang guro sa pagtataya.

a.    Pagbibigay ng mini board, eraser at chalk sa bawat pangkat.
b.    Pagkilala ng bawat pangkat sa  tinutukoy o tinatanong  ng guro.
c.    Pabilisang pagsulat ng kanilang sagot sa mini-board at itataas ito sa hudyat ng guro
d.    Pagbibigay ng Popsicle Stick sa mga nakakuha sa pangkat na nakakuha ng tamang sagot.

2.    LOVE TEAM STRATEGY O PAMARAANG PAGTATAMBAL

Ang love team strategy o pamaraang pagtatambal ay ginagamit sa pagbibigay-kahulugan ng salita o talasalitaan.

Hakbang sa Love Team Strategy o Pamaraang Pagtatambal

a.    Hatiin ang klase sa dalawa ng pangkat, ang grupo ng lalaki at ang grupo ng babae.
b.    Ibigay sa mga lalaki ang mga mahihirap na salitang isa-isang nakasulat sa construction paper.
c.    Ibigay naman sa mga babae ang mga kahulugan ng mga salitang mahihirap.
d.    Nakahanay ang mga babaeng may hawak ng construction paper na sinusulatan ng mga kahulugan ng mga salitang hawak ng mgalalaki.  Isa-isang lalapit ang mga lalaki upang hanapin ang kanilang katambal. Nakadepende sa kahulugan ng salitang kanlang hawak ang kanilang magiging katambal.
e.    Kung mahanap na nila ang kahulugan o ang kanilang katambal ay sabay nila itong ididikit sa pisara.

3.   PAMARAANG SAGOT  O  SAYAW
Ang pamaraang ito ay makakatulong upang masukat ang talas at kritikal na pag-iisip ng mga mag-aaral sa pagsagot sa mga nakahandang katanungan.
           
            Paano isasagawa?
a.    Maghanda ng mga katanungan na may kaugnayan sa paksang tinalakay.  Isulat ito sa maliit na papel tapos bilugin at ipasok sa plastic na bote.
b.    Paupuin ang mga mag-aaral nang magkaharap o ayos pabilog.
c.    Habang ipinatugtog ang musika ay ipapasa nila ang  bote.
d.    Sa paghinto ng tugtog, ang may hawak ng bote ay kukuha ng isang katanungan sa loob nito. 

e.    Pagkatapos mabasa ang tanong ay sasagutin niya ito subalit kung hindi niya masagot ang katanungan kailangan niyang sumayaw sa loob ng 30 segundo.

Walang komento: