Linggo, Hulyo 10, 2022

"Huwag Po Itay"


    Madalas gumagawa na agad tayo ng kongklusyon sa anumang una nating nakikita at nababasa.  Lingid sa ating kaalaman na hindi pala ito ang inaakala nating nangyari.   Tunghayan ninyo ang  maikling kuwentong ito.


Huwag Po Itay....

Nais kong ibahagi sa inyo ang namagitan sa amin ng aking itay isang gabi. Hinding-hindi ko makakalimutan ang gabing iyon. Malakas ang ulan noon nguni't maalinsangan ang simoy ng hangin.

Ako ay nagsusuklay sa aking silid, katatapos ko pa lamang maligo at nakatapis pa lamang noon. Narinig kong kumakatok si Itay sa aking pinto. Nang sagutin ko ang pagkatok niya ay sinabi niya na kailangan daw naming mag-usap at humiling na papasukin siya. Binuksan ko ang pinto at siya'y kagyat na pumasok sa aking silid.

Laking pagkagulat ko nang ipinid niya at susian ang pinto. Hinawakan ni Itay ang aking mga kamay, hinaplos-haplos niya ang aking buhok, ang aking mukha, pinaraan niya ang kanyang mga daliri sa aking kilay, sa aking mga pisngi,sa aking mga labi. Napasigaw ako.

"ITAY, huwag, huwag! Ako'y inyong anak! Utang na loob, Itay!" Nguni't parang walang narinig ang aking Itay. Ipinagpatuloy niya ang kanyang ginagawa. Ipinikit ko na lamang ang aking mga mata dahil ayaw kong makita ang mukha ng aking ama habang ipinagpapatuloy niya ang kanyang ginagawa sa akin.

Naririnig ko si Inay sumisigaw habang binabayo ang pinto at nagpipilit na ito'y buksan, "Hayop ka! hayop ka! Huwag mong gawin iyan sa anak mo! Huwag mong sirain ang kanyang kinabukasan".

Subalit wala ring nagawa si Inay, hindi rin siya pinakinggan ni Itay. Nanatili na lamang akong walang katinag-tinag at ipinaubaya ko na lamang ang aking sarili sa anumang gustong gawin ng aking Itay.

Pagkalipas ng isang oras ay tumigil na rin ang aking Itay. Iniharap niya ako sa salamin at ganoon na lamang ang aking pagkamangha at pagkagulat sa aking nakita. Magaling naman palang mag-make-up si Itay.

Nang gabing iyon ay nagtapat sa akin ang aking ama. Bakla pala siya. Labis akong nagalak sa galing at husay ng aking ama. Naisip ko na matutuwa ang aking boyfriend dahil lalo akong gumanda ngayon. Niyakap ko si Itay at pareho kaming napaluha sa labis na kagalakan. Masaya na kami ngayon at nabubuhay nang matiwasay.


Lovingly yours,

BADONG

-----------------------------------

Halaw mula sa Masining na Pagpapahayag sa Filipino ni Rolando Bernales

Linggo, Agosto 30, 2015

- Asignaturang Filipino -: Ang Aking Pilosopiya sa Pagtuturo

- Asignaturang Filipino -: Ang Aking Pilosopiya sa Pagtuturo: MAHALAGA ANG PUSO SA PAGTUTURO                       wennchubz.blogspot.com Ang pagtuturo ng isang mahusay  na guro ay hindi nagmula ...

Lunes, Agosto 24, 2015

Mga Sariling Tuklas na Estratehiya sa Pagtuturo


wennchubz.blogspot.com

1.   PAMARAANG  4P’S
Ang pamaraang 4P’s ay nakakatulong sa mga mag-aaral upang malinang ang tinatawag na cooperative learning o ang kanilang pakikiisa sa pangkatang gawain at talakayan. Ang 4 P ay nangangahulugang pagpapangkat, pagbabagyong-isip, pagtakay at pagbibigay-input.
Hakbang sa Paggamit ng Pamaraang 4P’s
a.    Pagpapangkat – papangkatin ang klase sa apat o depende kung gaano kalaki ang klase.
b.    Pagbabagyong-isip – magkakaroon ng pagbabagyong-isip ang bawat pangkat ng mga mag-aaral hinggil sa paksang ibinigay ng guro.  Isa sa pangkat ang magtatala sa kanilang napag-usapan hinggil sa paksa.
c.    Pagtalakay – matapos ang pagbabagyong-isip ng pangkat ay tatalakayin  ng lider ng pangkat sa klase ang napag-usapan ng kanilang pangkat.
d.    Pagbibigay-input – kapag nakapaglahad at nakapagtalakay na ang bawat lider ay magbibigay na ng feedback at input ang guro hinggil sa paksa.

Pagkatapos ng talakayan, gagamit naman ng 4P’s ang guro sa pagtataya.

a.    Pagbibigay ng mini board, eraser at chalk sa bawat pangkat.
b.    Pagkilala ng bawat pangkat sa  tinutukoy o tinatanong  ng guro.
c.    Pabilisang pagsulat ng kanilang sagot sa mini-board at itataas ito sa hudyat ng guro
d.    Pagbibigay ng Popsicle Stick sa mga nakakuha sa pangkat na nakakuha ng tamang sagot.

2.    LOVE TEAM STRATEGY O PAMARAANG PAGTATAMBAL

Ang love team strategy o pamaraang pagtatambal ay ginagamit sa pagbibigay-kahulugan ng salita o talasalitaan.

Hakbang sa Love Team Strategy o Pamaraang Pagtatambal

a.    Hatiin ang klase sa dalawa ng pangkat, ang grupo ng lalaki at ang grupo ng babae.
b.    Ibigay sa mga lalaki ang mga mahihirap na salitang isa-isang nakasulat sa construction paper.
c.    Ibigay naman sa mga babae ang mga kahulugan ng mga salitang mahihirap.
d.    Nakahanay ang mga babaeng may hawak ng construction paper na sinusulatan ng mga kahulugan ng mga salitang hawak ng mgalalaki.  Isa-isang lalapit ang mga lalaki upang hanapin ang kanilang katambal. Nakadepende sa kahulugan ng salitang kanlang hawak ang kanilang magiging katambal.
e.    Kung mahanap na nila ang kahulugan o ang kanilang katambal ay sabay nila itong ididikit sa pisara.

3.   PAMARAANG SAGOT  O  SAYAW
Ang pamaraang ito ay makakatulong upang masukat ang talas at kritikal na pag-iisip ng mga mag-aaral sa pagsagot sa mga nakahandang katanungan.
           
            Paano isasagawa?
a.    Maghanda ng mga katanungan na may kaugnayan sa paksang tinalakay.  Isulat ito sa maliit na papel tapos bilugin at ipasok sa plastic na bote.
b.    Paupuin ang mga mag-aaral nang magkaharap o ayos pabilog.
c.    Habang ipinatugtog ang musika ay ipapasa nila ang  bote.
d.    Sa paghinto ng tugtog, ang may hawak ng bote ay kukuha ng isang katanungan sa loob nito. 

e.    Pagkatapos mabasa ang tanong ay sasagutin niya ito subalit kung hindi niya masagot ang katanungan kailangan niyang sumayaw sa loob ng 30 segundo.

Ang Aking Pilosopiya sa Pagtuturo

MAHALAGA ANG PUSO SA PAGTUTURO
                      wennchubz.blogspot.com

Ang pagtuturo ng isang mahusay  na guro ay hindi nagmula sa aklat ngunit ito’y nagmula sa kaibuturan ng kanyang puso.  Kung ang isang guro ay may puso sa kanyang ginagawa walang mag-aaral ang mababagot sa kanyang klase at walang mag-aaral ang hindi matututo sapagkat gaano man kahina o kalikot ang isang mag-aaral, kung ang gurong nagtuturo ay may pagmamahal sa kanila ay pahahalagahan niya ito.   Ito ang  dahilan kung bakit kahit nasa modernong panahon na ngayon, hindi kailanman mapapalitan ng modernong teknolohiya ang guro.  Wika nga ni William Ayers “Good teaching is not a matter of specific techniques, plan or a style, teaching primarily is a matter of love.

Mahalagang kilalanin ng guro ang kanyang mga mag-aaral hindi lamang sa kanilang pangalan kundi kahit sa kanilang pinagdaanan upang mas higit silang maiintindihan .  Marami sa mga mag-aaral ngayon na kahit sa murang edad ay may mga hindi magandang karanasan o pinagdaanan sa buhay  na nakaaapekto sa kanilang pag-uugali at pag-aaral na siya ring dahilan upang sila’y agad mahusgahan. Dahil dito hindi nagtatapos sa apat na sulok ng siid-aralan lamang, ang obligayon ng guro sa kanyang mga mag-aaral.  Kailangang magkaroon  ang guro ng malalim na pagkilala sa kanyang mga mag-aaral upang hindi lamang niya ito matuturuan, magagabayan pa niya ito sa tamang landas na kanilang tatahakin kahit hindi na niya ito mag-aaral.  Ang simpleng pakikipag-usap sa mga mag-aaral sa kantina, sa pasilyo o kahit saan ay nakatutulong ng malaki upang higit silang makilala at mararamdaman din nila ang iyong pagpapahalaga sa kanila.  Mabilis ang pagkatuto ng mga mag-aaral kong magaan ang kanilang loob sa kanilang guro.  Magiging magaan din ang pakikitungo ng mag-aaral sa guro kung maramdaman niyang hindi lamang siya itinuring na isang estudyante sa halip ay itinuring siya nitong anak, kaibigan o kaya’y kapatid.  Ayon nga sa isang hindi nagpapapakilalang manunulat “ to teach is to touch lives forever.”

            Ang guro ang tagapagdukal ng karunungan, ang tagahasik ng kaalaman at tagapagpanday ng magandang kinabukasan.  Obligasyon ng guro na ang bawat bata o mag-aaral sa kanyang klase ay kanyang matuturuan at magagabayan sapagkat ang pagiging guro ay hindi lamang isang propesyon bagkus ito’y isang misyon at bokasyon.  Malaki ang maiaambag ng guro sa magiging kinabukasan ng kanyang mga mag-aaral. Wika nga  ni Henry Brooks Adams “ A teacher affects eternity; he can never tell where his influence stops”.

Hindi masusukat ang husay at kadakilaan ng isang guro sa bilang ng parangal na kanyang natanggap at sa bilang ng kanyang mga matatalinong mag-aaral subalit sa bilang ng mga mag-aaral na kanyang nabago at natulungang magkaroon ng positibong pananaw sa buhay.  Nararapat nag awing sentro ng bawat guro ang Panginoon sa kanyang pagtutuo.


Bilang isang simpleng guro, ito ang aking pilosopiya sa pagtuturo na umaakay sa akin upang mas kilalanin ang bawat mag-aaral na aking nakasalamuha, hahabaan ang aking pasensya sa kabila ng kanilang kakulitan, uunawain at gagabayan sila  sa kanilang pagkakamali at gawing buhay na buhay at makabuluhan ang aking klase sa oras ng talakayan.   

Biyernes, Nobyembre 25, 2011

PAGSULAT

na p

PAGSULAT
n  Ay walang katapusan at paulit-ulit na proseso sa layuning makalikha ng maayos na sulatin.
n  Nangangailangan ng tiyaga
n  Ayon kay White at Strunk ito ay matrabaho at mabagal na proseso dahil sa ugnayan at koneksyon ng pag-iisip.

ELEMENTO SA PAGSULAT

A.    PAKSA
            - saan maaaring ihango?

            Ang Pagsulat ay isang prosesong panlipunan na maaaring bunga ng ss:
            1. bilang reaksyon ng isang tao sa kanyang nabasa, naranasan o namasdan upang maipaabot ang
kanyang pananaw at panuntunan sa buhay.

2. bilang reaksyong pangkomunikatibo ng sumulat sa kanyang nabasa o nasaksihan at naranasan na nagpapahayag ng kanyang kaalaman at pagpapahalaga.
           
3. sa layuning makapagbigay lugod o kasiyahan lalo’t ito ay malikhaing sulatin na nagpapasigla ng imahinasyon at tumutugon sa damdamin.

B. MGA LAYUNIN
                        Ito ay maaaring:
                        1. Pansariling Pagpapahayag
                        2. Pagbibigay ng Impormasyon
                        3. Malikhaing Pagsulat

C. AUDIENCE/MAMBABASA

D. WIKA

MGA BAHAGI NG TEKSTO

1. PANIMULA – ipinakilala ang paksa
                        -ginagamit na panawag pansin/pang-akit sa damdamin ng mambabasa.
                        - Ito ay introduksyon
                        - nagsisimula sa pangkalahatang pangungusap tungkol sa paksa
                        -nangangailangan ng 3-5 na sunod- sunod na pangungusap na magpapalawak
at tutukoy sa saklaw ng paksa.
                        - isang tesis na pahayag ang huling pangungusap.
                        - may authorial stance
Tesis na Pahayag – ay isang pangungusap ng iyong pahayag sa iyong pangunahing
ideya.
Authorial Stance – perspektibo ng may akda sa kanyang sinusulat.


2. KATAWAN – isinasaad dito ang nilalaman ng teksto. Ang bawat talata ay isa ng kabuuan,
may simula, katawan, gitna at wakas.
                                    2 Kakayahang Hinihingi
                                                a. Mag-uuri-uri
                                                b. Magsuri
3. WAKAS/KONKLUSYON –naglalahad ng buod.
                        -nakapaghahain ng katibayan at pangangatwiran



3 PANGUNAHING BAHAGDAN SA PROSESO NG PAGSULAT


  1. BAGO MAGSULAT – paghahanda
  2. HABANG NAGSUSULAT
                        a. Pagsulat ng Burador
                                    - pagsulat nang tuluy-tuloy
                                    - di muna isaaalang-alang ang
                                       gramatika/estruktura/pormat                       b. Muling Pagsulat
                                    - Rebisyon
                                    - Pagwawasto/Pag-edit

      3. PAGKATAPOS MAGSULAT
                        - basahin sa klase
                        - talakayin
                        - isali sa timpalak
                        - ilathala

ANG PROSESO NG PAGSULAT

1. Brainstorming
2. Pagsulat ng Burador
3. Revisyon/ Pagrebisa
4. Pag-edit/Editing
5. Paglalathala

Pinagkunan: Atanacio, Heide. Pagbasa at Pagsulat Tungo sa Pananaliksik


BALANGKAS NG KURSO SA FILIPINO 2A

Divine Word College of Legazpi
Legazpi City

BALANGKAS NG KURSO SA FILIPINO 2A
Ikalawang Semestre, Taong Panuruan, 2011-2012

PAMAGAT NG KURSO:      Pagbasa at Pagsulat Tungo sa Pananaliksik

PAGLALARAWAN  NG KURSO:

Pagpapalawak ng mga kaalaman sa kritikal na pagbasa at lohikal na pagsulat tungo sa pagsasagawa ng sariling puna.

PANGANGAILANGAN NG KURSO:  Filipino 1a

KREDIT YUNIT: 3 Yunit

TALATAKDAAN NG PAGTUTURO: 54 oras

PANLAHAT NA LAYUNIN:

                        Pagkatapos ng kurso, ang mga mag-aaral ay inaasahang:

1.     Napapahalagahan bilang mag-aaral ng DWCL ang misyon, bisyon, at tunguhin nito;
2.    Nakapagpapakita ng mataas na antas ng kakayahang komunikatibo sa akademikong Filipino;
3.    Nakagagamit ng mga kaalaman at kasanayan sa kritikal na pag-unawa ng mga teksto sa iba’t ibang disiplina na nakatuon sa tekstwalisasyon at kontekstwalisasyon ng mga ideya;
4.    Nagkakaroon ng positivong saloobin sa paggamit ng Filipino sa pananaliksik; at
5.    Nakapagsasagawa ng sistematikong pananaliksik

NILALAMAN NG KURSO AT TALATAKDAAN NG PAGTUTURO:


Mga Paksa
Takdang Oras

I.              Oryentasyon ng Kurso at Pagtalakay sa Misyon, Bisyon at Tunguhin ng DWCL
A.    Ang Wika Batayang Kaalaman sa Wika at Komunikasyon
B.    Ang Sosyolohikal at Sikolohikal na Pananaw Bilang Pundasyon ng Edukasyong Pangwika
C.   Mga Paraan ng Pagpapahayag
D.   Iba’t Ibang Genre ng Nakasulat na Teksto
II.            Pagbasa sa Iba’t Ibang Disiplina
A.    Definisyon, Kalikasan at Kahalagahan ng Pagbasa
B.    Limang Dimensyon sa Pagbasa
C.   Iba’t Ibang Proseso ng Pagbasa
1.     Prosesong Sikolohikal ng Pagbasa
a.     Teoryang Iskema
b.    Interaktibong Proseso ng Pagbasa
c.    Mga Elemento ng Metakognitiv na Pagbasa
d.    Teoryang Bottom-Up
e.    Teoryang Top-Down
III.           Pagsulat sa Iba’t Ibang Disiplina
A.     Kahulugan at Kalikasan ng Pagsulat
B.    Kahalagahan ng Pagsulat
C.   Sosyo-Kognitib na Pananaw sa Pagsulat
1.    Kognitibong Dulog: Pagsulat Bilang Sariling Ekspresyon at Pagbibigay ng Kahulugan
2.    Sosyo-Kultural na Dulog – Pagsulat Para sa Afirmasyon
3.    Dulog sa Pagpili ng Genre – Pagsulat Para sa Iba’t Ibang Diskors
4.    Kritikal na Dulog:  Pagsulat Para sa Panlipunang Pagbabago
5.    Dulog na Beheyvioral at Fanksyonal: Pagsulat Para sa Asimilasyon
D.    Pagsulat Bilang Multidimensyonal na Proseso
E.    Mga Layunin ng Pagsulat
1.     Ekspresiv
2.    Imaginativ
3.    Informativ
4.    Persweysiv
F.    Istandard na Dapat Taglayin ng Sulatin
1.     Kaisahan
2.    Koherens
3.    Kalinawan
4.    Kasapatan
5.    Empasis/Diin
6.    Kagandahan
G.   Ang Gamit ng Wika
1.     Ayon sa Tono/Lenggwaheng Ginamit
2.    Ayon sa Uri ng Sulatin
3.    Ayon sa Antas ng Wika
4.    Ayon sa Pagkakagamit ng Wika
5.    Ayon sa Istilo
H.   Mga Hakbang sa Pagsulat
I.      Mga Uri ng Pagsulat
1. Akademik
                        2. Teknikal
                        3. Jornalistik
                        4. Referensyal
                        5. Profesyonal
                        6. Malikhain

IV.          Pananaliksik
A.     Kahulugan
B.    Layunin
C.   Mga Katangian ng Mabuting Pananaliksik
D.   Mga Katangiang Dapat Taglayin ng Isang Mananaliksik
E.    Mga Pananagutan ng Isang Mananaliksik
F.    Ang Isyu ng Plagyarismo
G.   Ang Pamanahong Papel
1.     Mga Pahinang Preliminari
2.    Kabanata 1: Ang Suliranin at Kaligiran Nito
3.    Kabanata 2: Mga Kaugnay na Pag-aaral at Literatura
4.    Kabanata 3: Disenyo at Paraan ng Pananaliksik
5.    Kabanata 4: Presentasyon at Interpretasyon ng mga Datos
6.    Kabanata 5: Lagom, Konklusyon at Rekomendasyon
7.    Ang Panghuling Pahina
H.    Ang Paksa at Pamagat-Pampananaliksik
I.      Mga Hanguan ng Impormasyon o Datos
J.    Panngangalap ng mga Impormasyon
K.    Dokumentasyon at Istelong Parentetikal
L.    Presentasyon ng mga datos
M.   Lagom, Konklusyon at Rekomendasyon
N.   Ang Listahan ng mga Sanggunian

Linggo 1-2







Linggo 3-4










Linggo 5-6













Linggo 7-8













Linggo 9-10













Linggo 11-18























METODOLOHIYA:

            Panel-talakayan
            Lektyur-talakayan
            Malayang talakayan
            Concentric Circle
            Bagyong-isip
            Pananaliksik
Brainwriting
            Ulat-talakayan at iba pa…

PANGANGAILANGAN:

1.    Pagdalo sa klase
2.    Pumasa sa mga pagsubok
3.    Pakikilahok sa talakayan
4.    Pagsagawa ng pasalita at pasulat na praktikum
5.    Pagsagawa ng pananaliksik

PARAAN NG PAGMAMARKA:
           
a.    Sa bawat panahunang pagmamarka ay batay sa dalawang kriterya
·         Class Standing ---------------------------------------------------- 67%
Ø  Pakikilahok sa klase
Ø  Ulat/pananaliksik/proyekto
Ø  Maikli at mahabang pagsubok
·         Marka sa Term Examination ---------------------------------- 33%

b.    Final Grade = Average ng Prelim, Midterm, Pre-Final at Final Grade

SANGGUNIAN:

A.   Aklat:

Austero, Cecilio et al.  Pagbasa at Pagsulat Tungo sa Pananaliksik.
               Grandwater Corp. Graphics Inc. Caloocan City. 2006.

Bernales, Rolando et. al. Kritikal na Pagbasa at Lohikal na Pagsulat Tungo
               sa Pananaliksik. Mutya Publishing House Inc., Valenzuela City. 2006

Jocson, Magdalena et. al. Pagbasa at Pagsulat sa Iba’t Ibang Disiplina.
               Lorimar Publishing Co. Inc., Quezon City. 2005.

Espina, Leticia et. al. Pagbasa at Pagsulat Tungo sa Pananaliksik.
               Mindshapers Co.,Inc.,Manila.

B.   Internet Websites: