Ang blog na ito ay sinadyang nilikha para sa mga mag-aaral ng may-akda na kumukuha ng asignaturang Filipino...Pakiusap lamang na sana'y hwag pong abusuhin ang blog na ito.Salamat.
Linggo, Agosto 30, 2015
- Asignaturang Filipino -: Ang Aking Pilosopiya sa Pagtuturo
- Asignaturang Filipino -: Ang Aking Pilosopiya sa Pagtuturo: MAHALAGA ANG PUSO SA PAGTUTURO wennchubz.blogspot.com Ang pagtuturo ng isang mahusay na guro ay hindi nagmula ...
Lunes, Agosto 24, 2015
Mga Sariling Tuklas na Estratehiya sa Pagtuturo
wennchubz.blogspot.com
1.
PAMARAANG 4P’S
Ang
pamaraang 4P’s ay nakakatulong sa mga mag-aaral upang malinang ang tinatawag na
cooperative learning o ang kanilang pakikiisa sa pangkatang gawain at
talakayan. Ang 4 P ay nangangahulugang pagpapangkat, pagbabagyong-isip,
pagtakay at pagbibigay-input.
Hakbang
sa Paggamit ng Pamaraang 4P’s
a. Pagpapangkat
– papangkatin ang klase sa apat o depende kung gaano kalaki ang klase.
b. Pagbabagyong-isip
– magkakaroon ng pagbabagyong-isip ang bawat pangkat ng mga mag-aaral hinggil
sa paksang ibinigay ng guro. Isa sa
pangkat ang magtatala sa kanilang napag-usapan hinggil sa paksa.
c. Pagtalakay
– matapos ang pagbabagyong-isip ng pangkat ay tatalakayin ng lider ng pangkat sa klase ang napag-usapan
ng kanilang pangkat.
d. Pagbibigay-input
– kapag nakapaglahad at nakapagtalakay na ang bawat lider ay magbibigay na ng
feedback at input ang guro hinggil sa paksa.
Pagkatapos
ng talakayan, gagamit naman ng 4P’s ang guro sa pagtataya.
a. Pagbibigay
ng mini board, eraser at chalk sa bawat pangkat.
b. Pagkilala
ng bawat pangkat sa tinutukoy o
tinatanong ng guro.
c. Pabilisang
pagsulat ng kanilang sagot sa mini-board at itataas ito sa hudyat ng guro
d. Pagbibigay
ng Popsicle Stick sa mga nakakuha sa pangkat na nakakuha ng tamang sagot.
2. LOVE TEAM STRATEGY O PAMARAANG
PAGTATAMBAL
Ang
love team strategy o pamaraang pagtatambal ay ginagamit sa pagbibigay-kahulugan
ng salita o talasalitaan.
Hakbang
sa Love Team Strategy o Pamaraang Pagtatambal
a. Hatiin
ang klase sa dalawa ng pangkat, ang grupo ng lalaki at ang grupo ng babae.
b. Ibigay
sa mga lalaki ang mga mahihirap na salitang isa-isang nakasulat sa construction
paper.
c. Ibigay
naman sa mga babae ang mga kahulugan ng mga salitang mahihirap.
d. Nakahanay
ang mga babaeng may hawak ng construction paper na sinusulatan ng mga kahulugan
ng mga salitang hawak ng mgalalaki.
Isa-isang lalapit ang mga lalaki upang hanapin ang kanilang katambal. Nakadepende
sa kahulugan ng salitang kanlang hawak ang kanilang magiging katambal.
e. Kung
mahanap na nila ang kahulugan o ang kanilang katambal ay sabay nila itong
ididikit sa pisara.
3.
PAMARAANG
SAGOT O SAYAW
Ang
pamaraang ito ay makakatulong upang masukat ang talas at kritikal na pag-iisip
ng mga mag-aaral sa pagsagot sa mga nakahandang katanungan.
Paano isasagawa?
a. Maghanda
ng mga katanungan na may kaugnayan sa paksang tinalakay. Isulat ito sa maliit na papel tapos bilugin
at ipasok sa plastic na bote.
b. Paupuin
ang mga mag-aaral nang magkaharap o ayos pabilog.
c. Habang
ipinatugtog ang musika ay ipapasa nila ang
bote.
d. Sa
paghinto ng tugtog, ang may hawak ng bote ay kukuha ng isang katanungan sa loob
nito.
e. Pagkatapos
mabasa ang tanong ay sasagutin niya ito subalit kung hindi niya masagot ang
katanungan kailangan niyang sumayaw sa loob ng 30 segundo.
Ang Aking Pilosopiya sa Pagtuturo
MAHALAGA ANG PUSO SA PAGTUTURO
wennchubz.blogspot.com
Ang pagtuturo ng isang mahusay na guro ay hindi nagmula sa aklat ngunit ito’y
nagmula sa kaibuturan ng kanyang puso.
Kung ang isang guro ay may puso sa kanyang ginagawa walang mag-aaral ang
mababagot sa kanyang klase at walang mag-aaral ang hindi matututo sapagkat
gaano man kahina o kalikot ang isang mag-aaral, kung ang gurong nagtuturo ay
may pagmamahal sa kanila ay pahahalagahan niya ito. Ito ang
dahilan kung bakit kahit nasa modernong panahon na ngayon, hindi kailanman
mapapalitan ng modernong teknolohiya ang guro.
Wika nga ni William Ayers “Good teaching is not a matter of specific
techniques, plan or a style, teaching primarily is a matter of love.
Mahalagang kilalanin ng guro ang kanyang mga
mag-aaral hindi lamang sa kanilang pangalan kundi kahit sa kanilang pinagdaanan
upang mas higit silang maiintindihan .
Marami sa mga mag-aaral ngayon na kahit sa murang edad ay may mga hindi
magandang karanasan o pinagdaanan sa buhay
na nakaaapekto sa kanilang pag-uugali at pag-aaral na siya ring dahilan
upang sila’y agad mahusgahan. Dahil dito hindi nagtatapos sa apat na sulok ng
siid-aralan lamang, ang obligayon ng guro sa kanyang mga mag-aaral. Kailangang magkaroon ang guro ng malalim na pagkilala sa kanyang
mga mag-aaral upang hindi lamang niya ito matuturuan, magagabayan pa niya ito
sa tamang landas na kanilang tatahakin kahit hindi na niya ito mag-aaral. Ang simpleng pakikipag-usap sa mga mag-aaral
sa kantina, sa pasilyo o kahit saan ay nakatutulong ng malaki upang higit
silang makilala at mararamdaman din nila ang iyong pagpapahalaga sa kanila. Mabilis ang pagkatuto ng mga mag-aaral kong
magaan ang kanilang loob sa kanilang guro.
Magiging magaan din ang pakikitungo ng mag-aaral sa guro kung maramdaman
niyang hindi lamang siya itinuring na isang estudyante sa halip ay itinuring
siya nitong anak, kaibigan o kaya’y kapatid.
Ayon nga sa isang hindi nagpapapakilalang manunulat “ to teach is to
touch lives forever.”
Ang guro ang tagapagdukal ng
karunungan, ang tagahasik ng kaalaman at tagapagpanday ng magandang kinabukasan. Obligasyon ng guro na ang bawat bata o
mag-aaral sa kanyang klase ay kanyang matuturuan at magagabayan sapagkat ang
pagiging guro ay hindi lamang isang propesyon bagkus ito’y isang misyon at bokasyon. Malaki ang maiaambag ng guro sa magiging
kinabukasan ng kanyang mga mag-aaral. Wika nga ni Henry Brooks Adams “ A teacher affects
eternity; he can never tell where his influence stops”.
Hindi masusukat ang husay at kadakilaan ng
isang guro sa bilang ng parangal na kanyang natanggap at sa bilang ng kanyang
mga matatalinong mag-aaral subalit sa bilang ng mga mag-aaral na kanyang nabago
at natulungang magkaroon ng positibong pananaw sa buhay. Nararapat nag awing sentro ng bawat guro ang
Panginoon sa kanyang pagtutuo.
Bilang isang simpleng guro, ito ang aking
pilosopiya sa pagtuturo na umaakay sa akin upang mas kilalanin ang bawat
mag-aaral na aking nakasalamuha, hahabaan ang aking pasensya sa kabila ng
kanilang kakulitan, uunawain at gagabayan sila
sa kanilang pagkakamali at gawing buhay na buhay at makabuluhan ang
aking klase sa oras ng talakayan.
Mag-subscribe sa:
Mga Post (Atom)